Links

    History of Barangay Tuyo

        Noong dumating ang ekspedisyon ng mga Kastila sa pamumuno ni Ferdinand Magellan sa Pilipinas, ay madawag at magubat na ang sitiong ito. Palibhasa’y malapit sa dagat, kadalasan ay dinadalaw ng malakas na daluyong ng bagyo na siyang nagiging dahilan upang mabagalbal ang maraming yagit na siyang nagsilbing tambak sa dating matubig na lugar.

     

        Sila ang kauna-unahang nilikha na pansamantalang nanirahan dito at sila ay mga lahing nanggaling pa sa malayong pulo ng Mindanao.  At habang lumilipas ang araw, buwan at mga taon ay nararagdagan at dumarami ang mga naninirahan dito na hindi rin malaman kung saan-saang dako pa ng Pilipinas nanggaling.

     

        Nahati ang ting bansa sa tatlong malalaking lugar at pinangalanang Luzon, Visayas, at Mindanao.  At ang marami rito, ang naging hanap-buhay ay ang magsaka sa dahilang ang kanilang mga bangka ay wala nang pagpunduhan sa tabing dagat.

     

        Subalit may isang panahong ang kanilang mga pananim at mga punongkahoy ay nangamatay at wala silang aanihin. Hindi kalian man pumatak ang ulan at hindi rin sila dinalaw ng bagyo o unos.

     

        Humingi sila ng tulong sa mga Kastila. Noon ang tawag sa mataas na pamunuan ng Kastila ay Gobernador-Heneral. Pinakinggan naman sila at nagpadala ng mga tauhan ang Gobernador-Heneral upang makatulong sa kanilang mga karaingan. At nang dumating ang mga kawaning ito ng pamahalaan, ay kaagad na hinanap nila ang mga taong humihingi  ng tulong sa mga matataas na puno ng pamahalaan.

     

        At nang pulungin nila ang mga mamamayan, unang idinaing nila ay ang pagkatuyo ng kanilang mga pananim. Datapwat nang tanungin sila ng mga Kastila ay lagi nilang isinasagot ay Tuyo!!! Tuyo na ang aming mga halaman.

     

        Umalis ang mga tauhan ng Kastila at hindi sila nagkaunawaan sapagkat sa tuwing sila ay tatanungin ng mga Kastila ay laging Tuyo ang agad nilang isinasagot dahilan sa dinaranas nilang gutom at paghihirap bunga ng pagkatuyo ng kanilang mga pananim at mga halaman na kanilang ikinabubuhay.

     

        Ang mga tauhan naman na inutusan ay tinanong ng alkalde kung anong lugar ang kanilang pinuntahan at ang sagot nila ay Tuyo. Hanggang sa gumawa ng sulat ang Alkaldeng ito at ipinadala sa kanyang kawani at sinabing dalhin ang sulat na ito doon.

     

        At nang dumating ang pinagbigyan ng sulat sa lugar na iyon ay nagsimulang magtanong sa mga tagaroon kung taga Tuyo ka  ba? At wala nang naisagot ang mga tao kung hindi tumango nang tumango. Mula noon tuwing susulat ang sino mang mataas na opisyales sa mga Kastila ay laging Tuyo na ang kanilang ginagamit sa barangay na ito.

     

        Hanggang sa dumating ang maraming pagbabago… ipinanganak ang mga batang nagsilbing bantayog ng mga pangarap ng katandaan… Namulat sa mga karunungang dinala rito hindi lamang ng mga Kastila at nang kung anu-anong mga bansa sa Asya… at Europa at nang Huling Amerika… Nanatili ang barangay na ito, na bagamat sumulong, namulat at nagkaisip, ay mula noon at hanggang ngayon ay walang pagbabagong mapapansin sa pangalang pangbarangay na namana pa natin sa ating mga ninuno at sa mga saling-lahi na ating dinadakila at binabayani na sila nating pinagmulan, maging sa una at wakes n gating buhay, ay tinataglay natin hanggang ngayon ang pangalang Tuyo, na marahil kailanman ay hindi na mabubura sa ating isipan at paniniwala magpakailanman.

    Comments